INIWAN NG PAMILYA, OFW PATAY SA DUWELO SA PULIS

BARIL-10

BATANGAS – Nalagutan ng hininga ang isang dating OFW makaraang makipagbarilan umano sa mga pulis nang tangkang arestuhin dahil sa pagpapaputok ng baril sa bayan ng Calatagan sa lalawigang ito, noong Linggo ng madaling araw.

Kinilala ang napatay na suspek na si Donato Credito, residente ng Barangay Quilitisan.

Batay sa report ng pulisya, pasado alas-4:00 ng madaling araw nang walang habas na magpaputok ng baril si Credito sa loob ng kanyang bahay.

Agad namang nagresponde ang mga pulis ngunit pinaputukan ng suspek ang patrol car saka mabilis na nagkulong sa kanilang bahay.

Sa kabila ng pakiusap ng mga kanak na lumabas at sumuko, nagmatigas ang suspek at muling pinapu-tukan ang mga pulis na nagtangkang pumasok sa kanilang bahay.

Bunsod nito, tinamaan ang dalawang pulis na kinilalang sina P/SSgt. Barcelon at P/Lt. Joel Landicho.

Pagkaraan ay binaril naman ng dumating na mga tauhan ng Police Mobile Force Company at Philippine Airforce ang suspek na nalagutan ng hininga sa insidente.

Isinugod sa pagamutan ang sugatang pulis na si Barcelon habang nakaligtas sa tama ng bala si Landicho dahil sa suot na bullet proof vest.

Ayon sa mga kaanak, nakaranas ng depresyon ang suspek mula nang iwan ito ng kanyang pamilya noong nakaraang taon. (NILOU DEL CARMEN)

Related posts

Leave a Comment