INIWAN NG MAGULANG PARA MAG-SHABU; 3 PASLIT NALUNOD SA RESORT

lunod2

(NI GINA BORLONGAN)

HINDI na umabot ng pasko ang tatlong batang babaeng magpipinsan makaraang malunod sa private pool ng isang resort nang iwanan ng kanilang bantay para mag-shabu sa inokupahang kuwarto sa Barangay Abangan Sur,Marilao,Bulacan kamakailan.

Kinilala ni P/Lt.Col.Amado  Mendoza Jr, Marilao police chief, ang mga biktimang  sina Akihiro Lucanas, 4, kapatid nitong si Aileen, 6, at pinsang si Princess Lyka Lucanas,6, pawang ng Dagat-Dagatan, Caloocan City.

Hindi na naisalba ng mga manggagamot ang mga biktima dahil sa dami ng nainom na  tubig.

Sa pagsisiyasat ni Sgt. Ariel Gacutan, bandang alas 5:30 ng hapon noong Huwebes nang maganap ang insidente makaraang pumasok sa loob ng resort sa Barangay Abangan Sur, Marilao ang magkalive-in partner na sina Ederlyn Lucanas, 30 at kinakasamang si Joel Manulit  kasama ang tatlong paslit at umokupa ng isang silid bago nagtungo sa swimming pool si Ederlynn kasama ang dalawang anak na sina Akihiro at Aileen at pamangkin.

Dito  ay pinaalalahanan ng mga tauhan ng resort si Lucanas na bawal maligo sa swimming pool dahil ginagawa ito at bantayang mabuti ang mga bata ngunit iniwan nito ang mga biktimma para kunin ang cellphone sa kanilang inokupahang silid at dito na sinamantala ng mga batang lumusong sa swimming pool kaya pawang nilamon ng tubig.

Mga 10 minuto na ang nakalipas nang madiskubre ng kinakasama ni Lucanas na si Manulit na nalulunod ang mga bata kaya kaagad itong dinala sa pagamutan ngunit hindi na nailigtas matapos sumabog ang mga baga sa dami ng nainom na tubig samantalang nakakita ang awtoridad ng shabu residue at drug paraphernalias sa basurahan ng silid ng magkalivein at sinasabing pag-aari ito ni Manulit na hindi na nagpakita sa awtoridad mula nang maganap ang insidente.

 

Related posts

Leave a Comment