INAGAWAN NG TULUGAN, PRESO PATAY SA BUGBOG

crime44

(NI SIGFRED ADSUARA)

NASAWI dahil sa sakal at bugbog ang isang 55-anyos na preso ng kanyang kapwa inmate nang nagtalo matapos na okupahan ng huli ang tulugan ng una sa loob ng Custodial Center sa Dasmarinas City, Cavite.

Hindi na umabot nang buhay sa Pagamutan ng Dasmarinas City ang biktimang si Roberto Marinas, ng Brgy Sto Nino Cristo, Dasmarinas City, dahil sa tinamong bugbog mula kay Zaldy Alvaran, 42, binata, ng 173 Sitio Talisayan, Brgy Sampaloc 4, Dasmarinas City Cavite , kapwa inmate sa Dasmarians City Custodial Center.

Sa ulat ni PSSgt Richard Domingo, ng Dasmarinas City Police Station, dakong ala-1:15 ng madaling araw nang naganap ang insidente sa loob ng Dasmarinas City Custodial Center.

Nauna dito, nakahiga umano ang biktima sa kanyang higaan nang pinipilit ng suspek na paalisin ito.

Nagalit ang biktima na nagresulta sa kanilang mainitang pagtatalo hanggang sa sakalin ito ng suspek saka pinagbubugbog hanggang sa nawalan ng malay kaya isinugod ito sa ospital at idineklarang patay.

 

Related posts

Leave a Comment