ILOILO HINAGUPIT NI ‘SAMUEL’

ILOILO-TYPHOON SAMUEL

MULING tumama ang tropical depression Samuel sa Iloilo nitong Miyerkoles habang patuloy ang pagbuhos ng malakas na ulan sa ilang bahagi ng bansa, ayon sa state bureau.

Sa kanyang 11:00 a.m. bulletin, sinabi ng PAGASA, hinagupit ng bagyong Samuel ang Barotac Nuevo dakong 9:00 a.m. Ito ang pangalawang pagtama sa lupa makaraan itong bumagsak sa Borongan City, Eastern Samar.

Babala ng weather agency,sa susunod na oras, sesentro ang malakas na buhos ng ulan sa Aurora, Camarines Norte, Camarines Sur, Catanduanes, Western Visayas, Calabarzon at Mimaropa.

Ang malakas na pagbuhos ng ulan sa mga lugar na ito, dagdag ng PAGASA, ay posibleng magdulot ng flash floods, partikular sa mababang mga lugar at mabundok na mga erya.

Ang bagyong Samuel ay magpapatuloy sa taglay lakas ng hangin hanggang 45 kph malapit sa gitna at may pagbugsong hanggang 65 kph. Ito ay magpapatuloy sa pagkilos patungo kanluran timog-kanluran sa bilis na 40 kph.

Ang cyclone Signal no. 1 sa Masbate, Biliran at Leyte ay inalis na ngunit nakataas pa rin sa sumusunod na mga erya sa bilis ng hangin hanggang  60 kph.

Kabilang sa mga erya na nanatiling nasa cyclone signal no. 1 ang Romblon, Southern Oriental Mindoro, Southern Occidental Mindoro,

Palawan, Calamian at Cuyo groups of islands, Northern Cebu, Northern Negros Occidental, Guimaras, Iloilo, Capiz, Aklan at

Antique.

Ang bagyo ay maaaring lumabas ng Philippine area of responsibility sa pagitan ng Huwebes ng gabi at Biyernes ng umnaga, ayon sa PAGASA.

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment