HAWAK-KAMAY NANG MAKITA; 3 ESTUDYANTE NALUNOD

NILUNOD

(NI JG TUMBADO)

TATLONG mag-aaral ang nasawi makaraang malunod ang mga ito habang naliligo sa ilog malapit lamang sa kanilang paaralan sa Itogon, Benguet.

Batay sa impormasyon mula kay Major Carol Lacuata, Public Information Officer ng Provincial Regional Office ng Cordillera Administrative Region, nangyari ang trahedya sa Sitio Calew, Barangay Dalupirip, Biyernes ng umaga.

Wala nang buhay nang marekober ang labi ng mga biktima na sina Kyla Mae Fernandez, Grade 9 student; Dickzy Mae Catos, Grade 7 student at Angel Hernandez, Grade 9 student na pawang mag aaral sa Blessed His Place Academy Incorporated.

Sa inisyal na imbestigasyon, nagtungo umano sa ilog ang tatlo upang maligo nang ang isa sa kanila ay malunod.

Sinubukang sagipin ng dalawa ang kasamahan, pero dahil hindi rin marunong lumangoy ay magkakasama na silang nalunod.

Natagpuan ng mga awtoridad ang tatlo na magkakahawak pa ang kanilang mga kamay.

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment