GYM INSTRUCTOR, 2 PA HULI SA DRUG BUST

(NI DONDON DINOY)

DIGOS CITY–Tatlong lalaki, isa sa kanila ay gym instructor, ang naaresto ng pinagsanib na pwersa ng mga otoridad dito sa lungsod, alas 12:40 ng madaling araw, Linggo.

Kinilala ang gym instructor na si Elnor Paraiso Magali, alyas “Dodong”, 27, Purok Islam, dalang Lopez Jaena sa Brgy. Zone 1.

Ang pangalawang suspek ay nakilalang si Christian Roy Daug-Daug alyas “Roy”, ng Purok Gemelina, Brgy. San Jose ng lugar.

Nahuli rin ang isang Amerodin Mangandong Imam, ayon kay Provincial Drug Enforcement of Davao Sur (PDEA) sa pagpanguna ni IA III Meldred Driz-Romero.

Isinagawa ng Digos City Police Office (DCPO) ang naturang operasyon sa Purok Anahaw, Mabini Ext., Brgy. San Miguel.

Ayon sa PDEA, nakuha sa posisyon ni Magale ang dalawang sachet ng pinaniniwalaang shabu, P2,000 marked money at mobile phone na gamit umano sa transaksyon.

Sa posisyon naman ni Imam nakuha ang dalawang pakete ng shabu at ilang drug paraphernalia at ang sinasakyang kulay pula na Honda wave motorsiklo, na may plakang LA51278.

Habang si Daug-Daug ay nakunan lamang ng mga drug paraphernalia.

Ayon sa mga otoridad, may timbang na .04 gramo ang nakuhang druga at may street market value na P4,000.00.

Ang mga suspek ay mahaharap sa kasong paglabag sa R.A. 9165 o comprehensive anti-illegal drugs act of 2002.

 

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment