GUNRUNNER UTAS SA SHOOTOUT

GUNRUNNER

CAGAYAN de Oro City – Patay ang isang lalaking hinihinalang gunrunner makaraang manlaban umano sa mga awtroidad sa ikinasang operasyon nitong Martes ng umaga sa lungsod na ito.

Kinilala ang napatay na si Klyd Jun Bryan Llamis, nasa hustong gulang, residente ng Zone 4, Barangay Bulua, Camaman-an.

Batay sa report ng Camman-an Police Station, dakong alas-2:00 ng madaling araw nang mangyari ang insidente sa City Public Cemetery sa Barangay Camaman-an ng nasabing lungsod.

Ayon sa pulisya, matagal nilang minanmanan ang suspek sa hinggil sa pagbebenta umano ng mga armas at nang magpositibo ay isang pulis ang umaktong poseur buyer para makabili ng armas.

Ngunit nakatunog ang suspek na pulis ang katransakskyon kaya agad umanong bumunot ng baril.

Gayunman, mabilis umanong kumilos ang pulis at naunahan sa pagpapaputok ang suspek na agad napuruhan.

Dinala sa ospital ang suspek ngunit nalagutan ng hininga habang nilalapatan ng lunas.

Nakuha sa pinangyarihan ng insidente ang isang caliber .45 at caliber .38 na baril.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya para alamin kung sino ang iba pang mga kasama ng suspek sa kanilang grupo. (ANNIE PINEDA)

Related posts

Leave a Comment