GUNMAN SA RADIO ANNOUNCER KILLING, ARESTADO NA

(NI JESSE KABEL)

TIWALA ang  Tacurong City PNP at Presidential Task Force on Media and Security na susunod na babagsak sa kamay ng batas ang mastermind sa pagpatay kay Benjie Caballero, radio announcer at station manager, na binaril noong Oktubre.

Patuloy ang ginagawang pag-iimbestiga ng Presidential Task Force on Media and Security, sa pangunguna ni Undersecretary Joel Egco, katuwang ang pulisya sa sinasabing gunman na nadakip ng mga awtoridad.

Nabatid na nasa kustodiya na ng mga otoridad ang gunman sa pamamaril at pagpatay sa mamamahayag na si Benjie Caballero Station Manager ng Radyo ni Juan sa Tacurong City.

Matatandaan na binaril at napatay ang biktima ng riding in tandem suspects gamit ang kalibre.45 na pistola habang itoy naghihintay ng tricycle sa harap ng kanyang bahay sa Sampaguita Street Tacurong City noong Oktubre 30.

Isang buwang nakaratay sa Intensive Care Unit (ICU) ng Saint Louis Hospital sa nabangit na siyudad bago ito inilipat sa Southern Philippines Medical Center (SPMC) sa Davao City at doon na ito binawian ng buhay.
Batay sa impormasyon, tumagos ang dalawang bala na tumama sa kanyang baga na pinaniniwalaang dahilan ng kaniyang pagkasawi at agad na inilibing  ito ng kaniyang mga kaanak sa Barangay Inas sa M’lang, North Cotabato, ayon sa tradisyong Islam.

 

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment