GRADE 12 STUDENT ARESTADO SA SHABU

SHABU BUYER

DAVAO – ARESTADO sa isinagawang buy-bust operation ng pulis ang isang Grade 12 student sa Davao City.

Sa report ng pulis, inaresto ang 18-anyos na lalake matapos magbenta ng  ilegal na droga sa isang pulis sa Tinikling St., Matina sa lungsod bukod pa sa nabawi mula rito ang dalawang plastic sachet na shabu.

Kilala umanong drug pusher ang naarestong estudyante na bumibiyahe pa sa Calinan sa Davao upang makakuha ng buyer.

Aminado ang suspek na rumaraket siya sa pagbebenta ng shabu dahil ang komisyon niya ang ginagamit niya na pambayad sa kanyang nagamit na ilegal na droga. (KIKO CUETO)

Related posts

Leave a Comment