GERMAN NATIONAL, LIVE-IN PARTNER PATAY SA AMBUSH

crime145

(NI KEVIN COLLANTES)

PATAY ang isang German national at kanyang live-in partner nang tambangan at paulanan ng bala ng riding-in-tandem habang pauwi na ng kanilang tahanan, sa Antipolo City, nitong Sabado.

Away sa lupa ang isa sa mga motibong tinututukan ngayon ng pulisya.

Ayon kay Rizal Police Provincial Office (RPPO) Director P/Col. Lou Evangelista, dead on the spot ang mga biktimang sina Conrad Heinrich, German national, at partner nito na si Remedios Kauth, residente ng Golden Hills Subdivision, Barangay San Roque, Antipolo City.

Nagtamo ng maraming tama ng bala sa katawan ang mga ito mula sa mga suspect na tumakas matapos ang krimen.

Batay sa ulat ng Antipolo City Police, dakong alas-2:40 ng hapon nang maganap ang pananambang sa Golden Hills Subdivision, sa Barangay San Roque, hind kalayuan sa tahanan ng mga biktima.

Sakay umano ng Isuzu Trooper na may plakang XLN-109 ang mga biktima, at pauwi na sa kanilang tahanan nang pagsapit sa naturang lugar ay bigla na lang silang parahin ng mga suspek na magkaangkas sa hindi na-plakahang motorsiklo.

Nang mag-menor ang sasakyan ay kaagad nang niratrat ng mga salarin ang mga biktima na nagresulta sa kanilang agarang kamatayan.

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment