GERMAN, 2 PINOY HULI SA COCAINE, MARIJUANA

(NI ROSS CORTEZ)

TIMBOG ang tatlong drug suspect na kinabibilangan ng isang German national, Fil Am at isang Pinoy matapos makipagtransaksyon sa poseur buyer na operatiba ng Cavite Provincial Intelligence Branch, sa Barangay Molino 4 lungsod ng Bacoor Cavite, alas-9:00 kaninang umaga.

Kinilala ang mga suspek na sina Andreas Waltney, alyas Andrew, 34, English teacher, ng 1035 Rizal Blvd Tagapo, Sta. Rosa City, Laguna), Patrick Paredes, 22, ng 459 Sonny Boy St. Brgy Hulo, Mandaluyong City at Alex Joel Tolentino, 44, ng 14L Bldg 9 3rd St Taguig City.

Nabatid na katransaksyon ng mga operatiba ang German na suspek at nagbenta ng 4 na pouch ng high grade marijuana kush na tumitimbang ng 112 gramo kapalit ng P128,000 boodle money

Narekober din sa Pinoy at Fil Am na suspek ang apat na pouch ng dried marijuana at isang sachet na naglalaman ng hinihinalang cocaine na tumitimbang ng 3.24 gramo at nagkakahalaga ng 24, 000. Nakuha rin sa mga suspek ang anim na pakete ng party drugs.

Sa panayam, sinabi ni Waltney na driver lamang umano siya ay binabayaran ng hanggang P10,000 magpapadrive ang mga kasama niya para magdeliver ng droga

Kolektor naman at taga remit ng perang pinagbentahan ng droga ang papel ng Pinoy na si Patrick, ayon sa kanya, sa isang “Alvin” na taga Mandaluyong City niya inireremit ang nakokolektang pera sa droga.

Habang for medication sa kanyang gout ang dahilan ng Fil Am na si Alex, gayunma’y sasampahan pa rin sila ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.

 

Related posts

Leave a Comment