GASOLINAHAN NAGLIYAB 

(NI KIKO CUETO)

NANG dahil sa hindi pagpatay sa makina habang nagpapakarga, nasunog ang isang gasolinahan, sa Dapa, Surigao del Norte.

Sa report, sinasabing nagmula ang sunog nang magkarga ng gasolina ang isang tricycle driver nang hindi pinapatay ang makina.

Isang pump boy ang nagtamo ng paso sa insidente.

Dahil sa gasolina, nahirapan ang mga bumbero at inabot ng tatlong oras bago naapula ang apoy.

Kinailangan pang gumamit ng kemikal ang mga nagrespondeng bumbero para tuluyang mapatay ang apoy.

Tinatayang aabot sa isa’t kalahating milyong piso ang halaga ng nasunog.

 

Related posts

Leave a Comment