GANG WAR: 2 MINOR NA MAGKATROPA SINAKSAK; 1 PATAY

(NI ORLANDO DINOY)

BANSALAN, Davao del Sur – Dalawang menor de edad ang sinaksak ng mga hindi pa kilalang suspek sa Brgy. Poblacion Uno, Linggo ng madaling araw sa isa umanong gang war.

Kinilala ni Police Major Rodante Varona, hepe ng pulisya, ang mga biktima na sina Welmar Arapok, 15 at Gabriel Jamal, 13, pawang residente ng Cosmos Street, Brgy. Poblacion Dos sa lugar.

Ayon kay Varona, nangyari ang pananaksak sa isang abandonadong bahay sa lugar.

Napag-alaman na si Arapok ay idineklarang dead on arrival sa Mabama Doctors Hospital matapos magtamo ng maraming saksak sa iba’t ibang parte ng katawan.

Habang si Jamal ay nadala pa sa Davao del Sur Provincial Hospital kung saan patuloy na lumalaban kay kamatayan.

Grupo ng gang sa lugar ang itinurong suspek sa pananaksak dahil sa personal na away ng mga ito ang naging dahilan ng madugong insidente.

Inabisuhan na rin ng mga otoridad ang mga magulang na huwag hayaang manatili sa daan ang mga anak nilang menor de edad.

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment