FETUS INIWAN SA FASTFOOD RESTO

FETUS-2

BATANGAS City – Nagulantang ang mga tauhan ng isang fastfood restaurant makaraang matuklasan ang isang fetus na nakalagay sa isang kahon na iniwan sa lobby ng nasabing establisiyemento sa lungsod na ito, noong Lunes ng umaga.

Batay sa report ng Batangas City police, unang inakala ng mga empleyado ng fastfood restaurant sa Lawas, Brgy. Calicanto, na naiwang package ang natagpuan ng isa nilang staff dakong alas-7:20 ng umaga.

Nakasilid ito sa kahon ng sapatos na nababalot ng packaging tape at saka isinilid sa pulang paper bag.

Ayon sa mga imbestigador ng Batangas City police, ang fetus ay tinatayang nasa lima hanggang anim na buwan.

Inaalam pa sa mga kuha ng CCTV camera kung sino ang nag-iwan ng kahon sa lugar.

Dinala na ang fetus sa Holy Saint John Funeral Homes sa nasabing lungsod upang mabigyan nang maayos na libing. (NILOU DEL CARMEN)

Related posts

Leave a Comment