ESTUDYANTE TUMALON SA CAMPUS BUILDING DAHIL SA TUITION

SUICIDE IN CAMPUS

TUMALON mula sa ikalimang palapag ng eskwelahan ang isa nitong estudyante na sinasabing problemado sa pera sa lalawigan ng Pangasinan.

Huling iniulat na nasa maselang kondisyon ang biktima na tinukoy sa pangalang Rommel Ramos, 21.

Nasa Intensive Care Unit ito ng Luzon Medical Center.

Base sa inisyal na ulat ng mga awtoridad, tumalon mula sa ikalimang palapag ng gusali ng University of Luzon ang biktima.

May hinala ang ilang kaibigan ni Ramos na problema sa pera ang dahilan ng pagtatangka nito sa kanyang buhay.

Related posts

Leave a Comment