ESTUDYANTE, SAF PATAY SA SALPUKAN

MOTORSIKLO-11

ZAMBOANGA City – Patay ang isang estudyante at miyembro ng Special Action Force (SAF) ng Philippine National Police nang magsalpukan ang kanilang minamanehong motorsiklo nitong Miyerkoles ng gabi sa lungsod na ito.

Ayon sa inisyal na ulat ng pulisya, nangyari ang insidente sa highway ng Barangay Maasin, Zamboanga City.

Lumabas sa imbestigasyon, kapwa binabaybay ng mga biktima ang nasabing kalsada nang bigla na lamang mag-overtake ang pulis sa kasunod na truck hanggang sa nabulaga ito ng kasalubong na motorsiklong minamaneho naman ng estudyante.

Dumanas nang matinding pinsala sa kanilang ulo at katawan ang dalawa na naging sanhi ng kanilang kamatayan.

Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa nasabing insidente. (ANNIE PINEDA)

Related posts

Leave a Comment