ESTUDYANTE PATAY, UTOL KRITIKAL SA AKSIDENTE SA SUBDIBISYON

accident12

(NI JG TUMBADO)

DEDBOL ang isang estudyante habang kritikal ang kapatid nito nang makasalpukan ang isang kotse sa Imus, Cavite, Miyerkoles ng madaling araw.

Nakita sa kuha ng CCTV ng subdivision sa Barangay Anabu II ang isang sasakyan na nasa Emilio Aguinaldo highway na naghihintay na makaliko. Nang paliko na ito papasok ng subdivision ay biglang sumulpot ang motorsiklo at nangyari ang banggaan.

Sa lakas ng impact ng banggaan, tila umikot sa ere ang angkas ng motorsiklo habang sumemplang naman ang drayber.

Nakilala ang mga sakay ng motorsiklo na sina Rommel Garcia, 21, at kapatid niyang si Danriel Alfonso, 19.

Naisugod pa sa ospital ang magkapatid ngunit nasawi rin si Rommel habang nakikipaglaban pa sa kamatayan si Danriel.

Ayon sa tiyahin ng makapatid, hindi nila agad nalaman na itinakas ng magkapatid ang motorsiklo para gumala.

Iginigiit naman ng drayber ng kotse na si Noxin Wenceslao na dahan-dahan ang kanyang pagpapatakbo dahil papasok siya sa subdivision.

“Hindi po ako ‘yung bumangga, alam ko po ‘yung ginagawa ko talaga. Maluwag po ‘yung highway pero di ko pa rin binilisan,” paliwanag nito.

Nahaharap ngayon si Wenceslao sa kasong reckless imprudence resulting in homicide, serious physical injuries, at damage to property.

 

Related posts

Leave a Comment