ENGINEERING STUDENT KULONG SA ‘SEXTORTION’ 

sextortion

(NI ANNIE PINEDA)

HIMAS-rehas ngayon ang isang engineering student matapos arestuhin ng mga awtoridad sa reklamong ‘sextortion’, iniulat sa probinsya ng Aklan.

Ayon sa Kalibo-PNP, nadakip ang 20-anyos na suspek na hindi pinangalanan sa ginawang entrapment operation nang ireklamo ito ng 19-anyos na dalaga.

Batay sa reklamo ng biktima, inaya siya ng suspek na magtalik subalit tinanggihan niya ito na ikinagalit ng una.

Dito, pinagbantaan siya ng suspek na ipapakalat ang mga malaswa nilang larawan, kapag hindi ito pumayag na makipag-sex sa kanya.

Sa takot na totohanin ng suspek ang banta, agad siyang nagtungo sa himpilan ng pulisya para humingi ng tulong.

Inilatag naman ang operasyon laban sa suspek at nagkasundo ang dalawa na papasok sa lodging house sa bayan ng Kalibo.

Pagpasok sa lodging house, lumabas ang operatiba at pinosasan ang suspek saka dinala sa naturang himpilan ng pulisya at nahaharap sa kaukulang kaso.

Depensa naman ng suspek na kasintahan niya ang biktima at kagustuhan nila ang magkita sa lodging house.

Pero , nakita sa cellphone ng suspek ang banta nito sa kanyang nobya.

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment