DUMP TRUCK SUMIRKO: 1 TIGOK, 14 SUGATAN

accident135

(NI BONG PAULO)

PATAY ang isa katao habang 14 ang sugatan makaraang mawalan ng preno ang isang dump truck at nahulog sa kanal kaya tumilapon ang mga sakay nito sa naganap na aksidente sa Sitio Upper Riverside, Poblacion, Siayan, Zamboanga del Norte, Martes ng gabi.

Dead on Arrival sa Siayan Diagnostic Center ang 18-anyos na sakay nito na si Junjun Montecillo, ng Brgy. Licabang, Dumingag.

Sugatan naman sina Alvin Dunque, Jomar Maata, Jessie Secretaria na mga residente ng Tukuran, Zamboanga del Sur.

Kabilang din sa mga nagtamo ng sugat sina Roy Andoy, taga-Dumingag, Pederano Ligutom, Ronie Mangubat, Jay-Ar Adla, Ariol Ticol, Roldan Angilay, Alboy Ticol, Jose Laylay, Toto Sumayong, Jenifer Sumayong, parehong nakatira sa Katipunan, Zamboanga del Norte; Rolando Adizer, 28, taga-Arapok, Molave, kungsaan nabali ang buto nito sa braso.

Sa imbestigayon ng pulisya, alas-6:45 ng gabi habang binabaybay ng mini-dump truck, (YKR 671) na minamaneho ni Junie Esio Opiar, 28, na taga Parasan, Molave National highway, sakay ang 15 pasahero patungo sana ng Sindangan, Zamboanga del Norte karga ang metal construction.

Pagdating sa nasabing lugar ay nawalan ito ng kontrol at nahulog sa kanal hanggang sa magpagulong-gulong ito dahilan para tumilapon ang mga sakay nito.

 

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment