DRIVER PINABABA NG SUV, TINADTAD NG BALA

(NI ANNIE PINEDA)

BINISTAY ng bala ng baril ang isang lalaki matapos pababain ng mga suspek mula sa isang sports utility vehicle saka pinagbabaril, iniulat kaninang umaga sa Negros Occidental.

Kinilala ang biktimang si Jomarie Tijada, ng Barangay Gargato ng bayan ng Hinigaran.

Batay sa report ng Hinigaran Municipal Police Station, dakong alas 5:30 ng hapon nang maganap ang insidente sa Barangay 1 ng nasabing bayan.

Lumabas sa imbestigasyon, ilang residente ang nakapansin sa isang SUV na huminto sa lugar at pinababa ang biktima saka pinagbabaril sa iba’t ibang parte ng katawan.

Ilang residente naman ang nakarinig sa alingawngaw ng mga putok at makalipas ang ilang minuto at nakita na lamang nila ang biktima na tadtad ng bala ang katawan at wala ng buhay.

Sa pagresponde ng mga pulis sa pinangyarihan ng krimen nakapulot sila ng 13 basyo ng 9mm pistol, tatlong empty cartridge ng .45 caliber pistol, at isang empty cartridge ng hindi pa matukoy na kalibre ng baril.

Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon ng mga awtoridad para malaman kung sangkot sa crime group at droga ang suspek.

 

Related posts

Leave a Comment