DOH PERSONNEL NATAGPUANG PATAYq

NATAGPUANG patay ang isang 53-anyos na HIV (human immunodeficiency virus) Master Trainor ng Department of Health (DOH), sa loob ng inuupahang silid sa #2621 Arellano Avenue, Malate, Manila, noong Biyernes.

Isasailalim sa awtopsiya ang bangkay ni Aureo De Castro y Vista, walang asawa, at empleyado ng DOH.

Base sa ulat ni Det. Erikson Aguilar ng Manila Police District-Homicide Section, bandang alas-10:00 ng umaga nang madiskubre sa kanyang silid ang walang buhay si De Castro habang nakasuot ng t-shirt na gray at walang saplot pang-ibaba.

Ayon sa isang Hasmer Hamid, 26, kapitkuwarto ng biktima, apat na araw na ang nakalipas nang makita niyang buhay ang biktima na may dalang hugasang plato sa common kitchen area.

Samantala, isang babaeng nakasuot ng green t-shirt na may markang “East West” at black leggings, nakamedyas at brown na sandals, ang namatay matapos ihatid ng isang taxi sa Emergency Room ng Ospital ng Maynila (OSMA) dakong alas 5:50 ng umaga nitong Linggo.

Sa inisyal na imbestigasyon, nakita ang biktima dakong alas-4:30 ng madaling araw habang naglalakad sa Remedios Circle na sapo-sapo ang dibdib at mukhang hirap huminga.

Pumasok umano ito sa ZzYyX Bar at maya-maya ay inaalalayan ng staff ng bar palabas saka isinakay sa taxi.

Bandang 5:25 ng madaling araw nang ipasok sa OSMA ang biktima ngunit binawian ng buhay dakong 5:50 am, base sa ulat ni Dr. Japeth Salvan.( RENE CRISOSTOMO)

`

Related posts

Leave a Comment