DINUKOT NA TEACHER PINALAYA SA RANSOM NA HALOS P300-K

sulu

(NI JESSE KABEL)

PINALAYA ng kanyang abductors ang isang public school teacher, na dinukot noong Setyembre, kahapon ng umaga sa Jolo, Sulu, ayon kay LtCol Gerald Monfort, spokesperson  ng Joint Task Force Sulu.

Sa report na isinumite kay Lieutenant General Cirilito Sobejana, commander ng Western Mindanao Command, inabandona ng mga kidnapper ang 58-anyos na guro na si Rosona Singua, sa loob ng isang hotel sa  Jolo, Miyerkoles ng umaga.

Nabatid na naglatag ng dragnet operation ang military at pulis kasunod ng nakatakdang pagbibigay ng ransom ng pamiliya ng biktima na umaabot sa P 283,000.

Kinumpirma ni Col Arvin Encinas, tagapagsalita ng Western Mindanao Command, nagkaroon ng bayaran bago pinalaya ng abductors ang guro na nagmula sa Zamboanga City. Binihag ito sa loob ng 18 araw.

Ayon kay Sobejana, matapos matanggap ang ulat hinggil sa pagpapalaya sa bihag na teacher ay ipinag-utos niya ang isang massive hot pursuit operation habang sinusundan ang isang isang 22-anyos na babae nakilalang si Nurina Jura,  residente  Martirez, Jolo, na siyang tumangap ng pera hanggang sa sakayan ng bus papuntang Sulu kung saan nabawi ang ransom money.

Isa pang abductors na kinilalang si Nurjia Asakil ang nadakip ng mga awtoridad.

“ A surveillance and payoff operation was conducted at Jolo port at 5:45 am today, where a bag of ransom money amounting to P283, 000.00 was handed over by the victim’s sister  to a young lady whereby the former was advised that her mother was checked in at room 2 of ANR Hotel,”ani Encinas.

Ipinagalugad din ng heneral ang ilang lugar at mga kabahayan kung saan sinasabing natagpuan ang biktima.

Ang biktima ay sinundo ng ilang kababaihan na umanoy magsasama sana sa biktima sa dadaluhang kasalan sa Dipolog City subalit isinakay sa isang barko at doon nalamang dinukot na ang biktima.

Nabatid na kinabukasan ay nakatanga ng tawag ang pamiliya ng biktima na humihingi ng malaking halaga kapalit ng buhay at kalayaan ng guro.

“Witnesses said that the abductors of Singua were a young lady, 3 middle-aged ladies, and a gay,” said Maj. Gen. Corleto Vinluan, Jr., JTF Sulu Commander.

Agad na isinailalim sa medical examination si Singua at isinalang sa custodial debriefing sa Sulu Provincial Police Office.

 

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment