DAVAO,  EASTERN SAMAR, SURIGAO NILINDOL

lindol12

(NI ABBY MENDOZA)

NAKARANAS ng pagyanig ang Davao Oriental, Surigao del Sur at Eastern Samar, pawang tectonic ang pinagmulan ng lindol at walang inaasahang aftershocks.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology(Phivolcs), 3.0 magnitude quake ang naitala sa Surigao alas-10:32 ng gabi, ang sentro ng pagyanig ay naramdaman sa bayan ng Hinatuan na may lalim na 30km.

Nasa magnitide 4.8 naman ang  naramdaman sa bayan ng Saranggani sa Davao Occidental  alas 10:35 ng gabi, sa lalim na 78km.

Samantala 4.5 lindol ang tumama sa bayan ng Guiuan, Eastern Samar.

Ayon sa Phivolcs tectonic ang pinagmulan ng lindol.

 

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment