DATING NPA NA PUMATAY SA SUNDALO, NAGPAKAMATAY

PATAY-3

(Ni BONG PAULO)

Wala ng buhay ng madatnan ng mga otoridad ang dating NPA member sa loob ng custodial facility ng Magpet PNP sa bayan ng Magpet, North Cotabato, Miyerkules ng hapon.

Kinilala ni Magpet PNP Chief Police Captain Rolando Dillera Jr., ang namatay na si Noel Delgado alyas Mark Delgado at alyas Tonton, 19-anyos, single at residente ng Brgy Camutan, Antipas, North Cotabato.

Si Delgado ay sumuko nitong Martes ng hapon kay Brgy. Balite Chairman Edgar Hantoc kung saan nabatid na tumakas ito noong Nobyembre a-dyes matapos nitong paslangin ang sundalong si PVT Randy Castor ng 72nd Infantry Battalion ng Philippine Army na nakabase sa Magpet habang sugatan din noon ang isa pa nitong kasamahan. Ang dalawang sundalo ang nagsilbi nitong escort habang ito ay nagpapatuloy ng kanyang kursong technical-vocational sa TESDA.

Matatandaang sabay ring itinakbo ni Delgado ang issued firearms ng dalawang sundalo. Pero kasabay naman ng kanyang pagsuko kamakalawa ay ang pagbabalik din ng mga kinuha nitong mga kalibre 45 pistola ng dalawa at maging kaniyang sariling 45-caliber.

Dagdag pa sa ulat na ayon sa nakatalagang duty custodial officer ng Magpet PNP, alas kwatro ng madaling araw ay nakita pa nilang nakahiga si Delgado sa loob pero nang muli nitong tingnan alas 5:40 umaga kahapon ay wala na itong buhay matapos magpakamatay.

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment