DALAGITA NAKITANG PATAY SA SAGINGAN

(NI DONDON DINOY)

DAVAO CITY-Biglang natapos ang pag-aaral ng isang mag-aaral sa Grade 8 ng makitang wala na itong buhay sa gilid ng daan sa sagingan sa Purok Palmera, Barangay New Katipunan, Maragusan, Davao de Oro, noong Biyernes.

Hindi na makaabot ngayong Pasko ang biktimang si Leni Hoylar, 13, Grade 8 student sa Maragusan National High School at residente sa GK Village, Barangay New Katipunan, Maragusan, Davao de Oro.

Sa imbestigasyon ng Maragusan Municipal Police Station, sinabi ng ina ng biktima na dakong alas 7 ng gabi noong Miyerkoles, nakaramdam na sila ng takot matapos hindi nakauwi ang biktima sa kanilang tahanan.

Nabigla na lang ang pamilya nito matapos makitang patay na ang bata.

Sa pagsisiyasat ng mga otoridad nalaman na may may sugat ang ulo ng paslit na pinaniniwalaang pinukpok ng bato at dahilan ng kanyang kamatayan.

Narekober din ng pulisya na katabi ng biktima ang dalawang malalaking bato na siyang ipinukpok sa ulo nito dahil sa mga bahid ng dugo.
Hinihintay ngayon ng mga otoridad ang resulta ng medico legal upang malaman kung pinagsamantalahan ang bata, matapos makitaan ng mga likido ang ari ng namatay.

Sa ngayon, sinusundan ng mga pulis ang mga sinasabing persons of interest sa naturang kaso.

 

Related posts

Leave a Comment