DALAGA NILURAY NG BATCHMATE SA GILID NG KALSADA 

(NI ANNIE PINEDA)

ARESTADO ang isang lalaki makaraan ireklamo ito ng panggagahasa ng babae na kanyang ka-batchmate na inalok na ihahatid sa bahay nito, subalit niluray sa gilid ng madilim na kalsada, Sabado ng gabi sa Pangasinan.

Kinilala ang suspek na si Jeric Domingo, 27, residente ng Laoac Pangasinan.

Batay sa ulat ng pulisya, nakatanggap sila ng report mula sa barangay tungkol sa panggagahasa ng suspek sa biktima sa madilim na bahagi sa gilid ng kalsada sa nasabing bayan.

Lumabas sa pagsisiyasat ng pulisya, nakipag-inuman ang biktima na hindi pinangalanan, 25, sa kanyang mga ka-batchmate kasama ang suspek.

Kuwento ng biktima, inabot ng gabi ang kanilang inuman kaya wala na siyang masasakyan pauwi kaya pumayag na siyang magpahatid sa suspek sa kanilang bahay sakay ng motorsiklo.

Habang pauwi na sila, idinaan ng suspek ang kaniyang motorsiklo sa short cut na walang katao tao at doon isinakatuparan ang umanoy panghahalay.

Napadaan naman ang isang residente sa lugar at nasaksihan ang ginagawang panghahalay ng suspek sa biktima kaya’t agad siyang humingi ng tulong sa barangay na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek.

Depensa ng suspek, hindi niya umano pinilit ang biktima .

Nakatakda naman sampahan ng kaukulang kaso ang suspek.

 

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment