CRIMINOLOGY STUDENT TIMBOG SA SEXTORTION

arrested

CEBU City – Arestado sa ikinasang entrapment operation ng mga pulis ang isang criminology student na nagbantang ikakalat ang sensitibong larawan ng kanyang ka-chat sa social media kung hindi makikipagtalik sa kanya.

Sa report ng pulisya, habang papasok sa lodge kasama ang 19-anyos na babae ay biglang sumulpot ang mga operatiba ng PNP Anti-Cybercrime Unit ng Central Visayas at inaresto ang suspek.

Sinabi ni Police Colonel Marlo Castillo, nagsumbong sa kanila ang biktima tungkol sa banta ng suspek na ikakalat ang hubad nitong mga litrato kung hindi makikipagtalik sa kanya.

Dagdag pa ni Castillo, nagpakilala bilang ‘foreigner’ ang suspek sa social media.

Hindi inakala ng biktima na batchmate niya sa high school ang kanyang ka-chat. Sinasabing may gusto ang lalaki sa biktima.

Pinabulaanan naman ng suspek ang paratang at sinabing kakilala niya ang dalaga ngunit wala siyang masamang balak sa biktima. KIKO CUETO

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment