CRIME OF PASSION: GINANG GINILITAN NG LOVER 

(NI ANNIE PINEDA)

LASLAS ang leeg ng isang ginang matapos itong gilitan ng kanyang loverboy dahil umano sa matinding selos, iniulat kahapon sa General Santos City.

Kinilala ang biktimang si Veronica de Vera, ng Punong Bayanihan Barangay Fatima, General Santos City.

Tugis naman ng pulisya ang suspek na kinilalang si Jomar Cristobal, kapitbahay ng biktima.

Batay sa report ng GenSan-PNP, dakong alas 2:00 ng hapon nang matagpuan ang bangkay ng biktima sa loob ng silid nito na laslas ang leeg at naliligo sa sariling dugo.

Lumabas sa imbestigasyon, tumungo sa kanilang kapitbahay ang 4-na anyos na anak ng biktima para humingi ng tulong hinggil sa nangyari sa kanyan ina.

Pagdating sa bahay ng mag-ina, itinuro ng bata ang kanilang silid at sinabing naroon ang nanay nito, kaya tinangkang buksan ang pinto ng silid, pero naka-lock ito.

Nakita nilang may umagos na dugo sa sahig

at doon na humingi ng tulong ang mga kapitbahay sa mga awtoridad.

Nang buksan ang pinto, nakitang naliligo sa sariling dugo ang biktima at laslas ang leeg.

Sa pag-usisa ng mga pulisya sa bata, sinabi nitong si Cristobal ang pumatay sa kanyang ina na mabilis tumakas matapos ang pangyayari.

Nabatid na may asawa ang biktima at pumupunta lamang sa bahay ang suspek kapag wala ang mister nito .

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment