COP KILLER INGINUSO NG KAANAK, HULI

(NI GUILLERMO OCTAVIO)

NAGTAPOS ang mahigit apat na taong pagtatago ng isang lalaking nakapatay sa isang pulis at nakabaril sa lima pang ibang parak matapos inguso ng kaaank ang kanyanga lungga sa Visayas Region.

Nalambat sa Iloilo City si Arnel Perolina alyas Jojo Aswang, 39, ng Market ,3 Brgy. North Bay Boulevard North (NBBN) na wanted sa mga kasong Direct Assault with Murder, Direct Assault with Frustrated Murder at Illegal Possession of Firearms, bukod sa pagkakasangkot niya sa illegal na droga.

Ayon sa Navotas Police, nakumpirma ang pinagtataguan ng suspek makaraang ipagkanulo ng sariling kaanak, bukod pa sa impormasyong ibinahagi sa kanila ng Iloilo City Police.

Ayon sa pulisya, pinagbabaril at napatay ni Perolina noong Abril 13, 2015 si PO1 Julius Mendoza na kasamang nagsasagawa ng anti-drug operations sa Market 3, Brgy. NBBN.

Bukod ka Mendoza, nabaril din ng suspek sina PO1 Isaac Orillanes, PO2 David Santos, PO2 Aldeen Legaspi, PO1 Rolando Cruz at PO1 Rollie Balena na nagsagawa ng follow-up operation laban sa kanya.

Isinagawa ang pagdakip sa suspek sa tulong ng mga tauhan ng Iloilo police sa bisa ng inilabas na warrant of arrest ni Malabon City Regional Trial Court (RTC) Judge Zaldy Docena ng Branch 170.

Nakumpiska sa suspek ang isang kalibre .45 baril at mga bala at anim na maliit na plastic sachet ng shabu na kanyang naging hanapbuhay sa naturang lungsod.

 

Related posts

Leave a Comment