COACH HULI SA ‘RAPE’ NG VOLLEYBALL PLAYER

(NI CYRILL QUILO)

HULI sa isang entrapment operation sa Bay Laguna ang isang volleyball coach matapos ulitin ang panghahalay sa kanyang player sa isang resort.

Kasama ang Provincial Intelligence Branch at Women and Children Protection Desk (WCPD) ng Pila Municipal Police Station nang puntahan ng awtoridad ang isang resort bandang 4:30 ng hapon at sagipin ang isang menor de edad na estudyante sa kamay ng kanyang coach na si Jimwell de Leon, alyas We-we, 18, grade 11 student ng CMDI Senior High School at residente Brgy. Calo, Bay, Laguna.

Ayon sa report ni Laguna Provincial Director PCol. Eleazar Matta, hindi ito ang unang beses na tangayin at halayin ang batang estudyante.

Nagsumbong sa pulisya ang nanay upang madakip ang suspek sa ginawa ng coach. Nakuhanan din si de Leon ng 4 na sachet ng shabu.

Sinabi naman ni de Leon na mayroong silang relasyon kaya’t hindi ito maituturing na ni-rape niya ang babaeng estudyante.

Ito umano ay kusang loob na sumama sa kanya sa isang resort. Planted din daw di umano ang ilegal na drogang nakuha sa kanya.

Kasalukuyang iniimbestigahan ng mga pulis ang suspek sa  panghahalay sa biktima at  nakapiit sa Pila Municipal Station.

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment