CHOPPER BUMAGSAK SA DAGAT; 2 PILOTO LIGTAS

cavite city12

(NI SIGFRED ADSUARA)

NASA ligtas ng kalagayan ang dalawang piloto ng Philippine Air Force (PAF) nang bumagsak ang sinasakyan nilang helicopter na nakaranas ng engine failure habang nagsasagawa ng proficiency lesson sa bahagi ng karagatan ng Cavite City.

Kinilala ang dalawang piloto na sina 1Lt Uriel Pangket, 29, miembro ng PAF at 1Lt Razelle Cerdenia, 26, kapwa miyembro ng PAF at kasalukuyang nakatira sa  16th Attack Squadron, 15th Strike Wing, MDAAB,  Sangley Pt., Cavite City.

Sa report ni Pat.Melvin Calapano ng Cavite City Police Station, dakong alas-12:07 Biyernes ng tanghali, nang naganap ang insidente sa dagat sakop ng Cavite Coastal area  sa Cavite, City.

Nagpalipad ng helicopter ang dalawa kung saan si Pangket ang piloto, bilang bahagi ng kanilang proficiency fight lesson profile nang makaranas ng engine  failure habang nasa  himpapawid dahilan  upang nag-emergency ejected ang dalawa at bumagsak sa dagat.

Napansin naman ng mga mangingisda ang dalawang piloto na palutang-lutang na  siyang tumulong sa dalawa at dinala sa Banog area saka  isinugod sa ospital.

Kasalukuyang nagsasagawa ng rescue operation sa bumagsak na helicopter.

 

 

Related posts

Leave a Comment