CHECKPOINTS SA MINDANAO MANANATILI KAHIT WALA NANG ML

(NI AMIHAN SABILLO)

MANANATILI at walang pagbabago sa pagpapatupad ng checkpoints sa Mindanao ang Armed forces of the Philippines (AFP) kahit wala nang martial law.

Ito ang inihayag ni AFP Spokesperson Bgen. Edgard Arevalo kaugnay ng mga inaasahang pagbabago sa Security protocols sa Mindanao matapos magdesisyon ang Pangulo na wag nang palawigin ang martial law pagkatapos ng December 31.

Sinabi pa ni Arevalo, dati na rin namang may mga checkpoints sa Mindanao at ang “frequency” lang naman ng checkpoints ang nadagdagan sa pagpapairal ng martial law.

Magkakaroon lamang umano ng konting adjustments kung saan kailangan pa ang mga ito.

Sinabi naman ni Western Mindanao Command Commander Lt Gen. Cirilito Sobejana na mananatili ang “operational tempo” ng AFP sa Mindanao sa pagtatapos ng martial law.

Wala din umanong pagbabago sa kanilang security plan, para panatilihing ang ‘momentum’ laban sa mga naghahasik ng kaguluhan sa Mindanao.

Matatandaan na sa nakalipas na pagpapatupad ng batas militar ay naging mas ‘manageble’ na ang security situation sa Mindanao, bagamat may mga armadong grupo pa na nag-ooperate sa Maguindanao at Sulu.

 

Related posts

Leave a Comment