CATARMAN PUBLIC MARKET NILAMON NG APOY

fire12

TUPOK na tupok ang Catarman public market nang lamunin ng apoy ang buong gusali sa Catarman, Northern Samar, Sabado ng gabi.

Sinabi sa report na sumiklab ang apoy sa gitnang bahagi ng building kung saan nakapwesto ang mga dry goods bandang alas-9:26 ng gabi na naapula matapos ang tatlong oras.

Walang inulat na nasaktan sa insidente na tumupok ng P2 milyon, ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP). Sinasabing faulty electrical wiring ang sanhi ng sunog.

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment