CARGO TRUCK BUMAGSAK SA BAHAY; 3 MAG-AAMA, PATAY, 9 SUGATAN

accident121

(NI NICK ECHEVARRIA)

TATLONG miyembro ng isang pamilya, kabilang ang apat na taong gulang na bata, ang nasawi habang sugatan naman ang siyam na iba pa matapos na mabalaho sa kalsada ang isang cargo truck at magtuluy-tuloy na dumausdos sa mga kabahayan sa Zamboanga del Norte.

Nangyari ang insidente nitong Linggo bandang alas-7:20 ng gabi sa kahabaan ng National Highway sa Sitio Lipubo, Limpapa, Sibuco, Zamboanga del Norte, na ikinasawi ng mag-aamang  sina Dwayne Santiago, 4, James Bryan Santiago, 18-anyos, at Rodolfo Santiago, 60, ng Sitio Lipuno, Barangay Limpapa, Sibuco sa nabanggit na lalawigan.

Ginagamot naman sa Labuan Public Hospital Medical Center ang mga nasugatan na sina  Zyramae Santiago, 11 buwang gulang; Allan Jailani; Domiciano Roxas Estenzo, 60; Roceny Calago Marcial, Sherry Jane Bulalang Estenzo, 8; Sarah Jane Bulalang Estenzo, 29; Mary Rose Estenzo Reso-Or, 37; Delmar Estenzo Reso-or, 8 at Roderick Guevara Estenzo, 4.

Bahagya namang nasugatan si Jayson Tejeros De Leon, 35, driver ng cargo truck, na ngayon ay nakakulong sa Sibuco Municipal Police Station (MPS) at nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to multiple homicide at multiple physical injuries.

Sa ipinarating na ulat ng Police Regional Offcie (PRO) 9  sa Camp Crame, patungo sana ang trak na minamaneho ni De Leon sa Zamboanga City nang aksidenteng mabalaho sa kalsada at mawalan ng kontrol hanggang sa magtuluy-tuloy na bumulusok sa mga kabahayan na nasa  ibabang bahagi ng gilid ng kalsada kungsaan napuruhan ang bahay ng pamilya Santiago at Entenzo.

 

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment