BUMIGAY SA PROBLEMA; PULIS NAGBARIL SA SARILI 

(NI ANNIE PINEDA)

HINDI umano nakayanan ng isang kasapi ng Philippine National Police (PNP) ang matinding problemang dinaranas nito dahilan para wakasan ang sariling buhay sa pamamagitan ng pagbaril sa ulo, iniulat sa probinsya ng Cagayan de Oro City.

Kinilala ang biktimang si Patrolman Joseph Sherwin Daligdig, 32, miyembro ng Provincial Holding and Accounting Unit (PHAU) at residente ng Purok 5, Baybay, Tinagsa, Kolambugan, Lanao del Norte.

Ayon kay Kolambugan Police Station Officer-in-charge Capt. Marlone Dahili, natagpuan na lamang ang biktima sa loob ng kanyang silid na naliligo sa sariling dugo at wala ng buhay.

Sa pagresponde ng mga pulis, nagbaril sa leeg si Daligdig na tumagos sa ulo gamit ang shotgun na agad nitong ikinamatay.

Kuwento ng ina ng biktima, simula dumating sa kanilang bahay ang anak galing trabaho ay hindi na ito lumabas pa hanggang sa nakarinig na lamang sila ng putok ng baril.

Paniwala ng otoridad personal na problema ang nagtulak sa biktima para magpakamatay.

 

Related posts

Leave a Comment