BULLY BINOGA, KRITIKAL 

crime22

(NI JG TUMBADO)

AGAW-buhay ngayon sa ospital ang isang lalaking nam-bully  matapos barilin sa Cebu City, Linggo ng gabi.

Dinakip ng pulisya ang biktima ng ‘bullying’ na si Rolando Toradio, 37, habang nakilala naman ang binaril nito na si Amador Santing, 47, na nasa Intensive Care Unit (ICU) bunsod ng isang tama ng bala ng baril sa kanyang ulo.

Inamin naman ni Toradio ang ginawa nitong pamamaril kay Santing.

Paliwanag ng suspek sa pulisya, matagal na umano siyang kinukutya ni Santing na palaging sambit nito sa kanya ay “baliw” kapag nagkikita umano sila sa kalsada sabay tingin sa kanya ng masama.

Napag-alaman sa imbestigasyon ng pulisya, nakainom umano si Toradio nang matiyempuhan muli ng bully na si Santing kung saan ay dala na ng suspek ang baril nito at sadyang nagpakita sa huli.

Narekober ng mga awtoridad ang .38 revolver na baril na ginamit sa pamamaril sa biktima habang nahaharap sa kaso sa paglabag ni Toradio sa ilalim ng RA 10591 o ang comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act at frustrated murder.

Related posts

Leave a Comment