BUHAY IPINAGPALIT SA BAG BABAENG LUMABAN SA SNATCHER, PATAY

CEBU City – Nagbuwis ng buhay ang isang babae habang sugatan ng kaibigan nito matapos makipagtigasan sa mga isnatser na riding in tandem at hindi binitawan ang bag dahilan para makaladkad sa kalsada, iniulat nitong Huwbes ng umaga sa lungsod na ito.

Kinilala ang namatay na si Jennifer Vallespin, nasa hustong gulang, habang sugatan ang kaibigan nitong si Anin Manatad Dequita, at kapwa taga Mandaue Cebu.

Batay sa report ng Mandaue City Police Station 2, namamasyal ang mga biktima sa mall nang bigla na lamang sumulpot ang mga suspek na nakamotorsiklo at hinablot ang bag ni Vallespin.

Sa halip na bitiwan ng biktima ang bag ay nakipagmatigasan ito dahilan para makaladkad ng motorsiklo ng ilang metro, tinangkang naman tumulong ni Dequita kaya pati siya ay nasugatan.

Mabilis namanG humarurot ang mga suspek patakas sa hindi malamang direksyon at hindi namukhaan ang mga ito dahil sa suot nilang helmet.

Agad dinala sa ospital ang dalawa para lapatan ng lunas ngunit kalaunan ay nalagutan ng hininga si Vallespin. (ANNIE PINEDA)

 

Related posts

Leave a Comment