BUGAW TININGGA SA ULO

cebu city12

(NI NICK ECHEVARRIA)

PATAY ang isa umanong bugaw na  miyembro ng LGBT makaraang taniman ng bala sa ulo ng hindi pa nakikilalang suspek sa Cebu City, Miyerkoles ng madaling araw.

Sa report ni P/Master Sargeant Gerry Genilaso, ng Station 2 ng Cebu City Police, naganap ang insidente ganap na ala-1:00 ng madaling araw habang nakatayo sa gilid ng kalsada ang biktima na nakilala lamang sa alyas na “Danica”.

Isang motorsiklo na sakay ang isang lalaki ang biglang huminto sa harapan nito at makalipas ang ilang saglit na pag-uusap ay bumunot ng baril ang suspek at saka pinaputukan sa ulo ang biktima.

Nang bumulagta sa kalsada ang biktima, mabilis namang tumakas ang hindi pa nakikilalang salarin palayo sa lugar ng krimen.

Dead on the spot ang biktima na kilala umanong bugaw sa kanilang lugar.

Patuloy na iniimbestigahan ng pulisya ang motibo at pagkakakilanlan ng suspek at kung may kinalaman ba ang krimen sa pagiging bugaw ng biktima.

 

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment