BROKER PATAY SA AMBUSH NG TANDEM

crime143

(NI CYRILL QUILO)

TINAMBANGAN ang isang real estate broker sa Brgy. Bulbok,Lipa City, Batangas, Sabado ng umaga.

Tama ng bala sa ulo ang agad na ikinamatay ni broker kahapon ng umaga matapos pagbabarilin ng mga riding in tandem sa Brgy. Bolbok  Lipa City, Batangas.

Kinilala ni PLt. Col. Balauag ng Lipa City Police Station, ang biktimang si Florencio Maranan , 59, ng Purok 3 Brgy. Bolbok, Lipa City.

Ayon sa imbestigasyon, habang tinatahak ni Maranan ang Brgy.San Guillermo Lipa, isang motorsiklo ang sumabay sa kanyang paglalakbay at biglang may dalawang kalalakihan ang sumulpot sa daan saka bumunot ng baril at pinaputukan ang biktima.

Tama ng bala sa ulo ang agad na ikinamatay ng biktima habang tumakas palayo sa lugar ng pinangyarihan ang mga suspect.

Dinala sa Funeraria Lacorte ang labi ng biktima upang ma-autopsy ng SOCO at dadalhin ang kanyang motorsiklong kulay pula at puting Honda Wave sa Regional Crime Laboratory Office ng Batangas Provincial Police Office bilang ebidensya.

Related posts

Leave a Comment