BRGY SECRETARY, 4 PA, LAGLAG SA SHABU

(NI SIGFRED ADSUARA)

SWAK sa kulungan ang isang barangay secretary at apat nitong kasama nang maaresto sa isang buy bst operations sa Gen. Trias City, Cavite.

Kasong paglabag sa Sec. 5 at 11 Art. II ng RA 9165 ang isinampang kaso laban kina Benedicto Saringo, Barangay Secretary ng Pasong Kawayan 2, Gen. Trias City, Cavite; Shirley Trinidad; Jose Rey Lusong; at Ric Fauni, residente ng Sitio Canatuan, Brgy San Francisco, Gen. Trias City, Cavite.

Sa ulat ni PCpl Marnol Cunanan, ng Gen. Trias City Police Station, dakong alas-12:30 Huwebes ng madaling araw nang isinagawa ang buy bust operations sa Brgy Sitio Canatuan  ng mga miembro ng Gen. Trias CPS at PDEA Cavite na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek na pawang nasa Street Level Target (SLT).

Nakuha sa kanilang pag-iingat ang 19 pirasong sac het ng hinihinalang shabu  o 22.82 gramo na may street value na P155,000 at buy bust money.

 

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment