BOMBAY TINANIMAN NG TINGGA SA ULO

BINARIL SA ULO-2

CAMARINES Sur – Patay ang isang Indian national makaraang barilin ng hindi kilalang suspek sa loob ng kanyang sasakyan habang nakaparada sa tabing kalsada sa bayan ng Bulan sa lalawigang ito, nitong Linggo ng umaga.

Kinilala ng Bulan Municipal Police Station (MPS) ang biktima ng pamamaril bandang alas-9:30 sa Provincial Road, Zone 1, Brgy. Balaogan ng nasabing bayan, na si Surjit Singh y Kaur, 40, may asawa, residente ng Zone 6, Brgy. San Miguel, Iriga City.

Sa paunang ulat ng Bulan MPS, nasa loob umano ng kanyang nakatigil na sasakyan sa nasabing lugar ang biktima  nang biglang sumulpot ang hindi pa kilalang suspek at agad itong binaril sa ulo.

Nabatid na nawawala ang bag ng biktma na may lamang cellphone at hindi pa batid na halaga ng pera na hinihinalang tinangay ng suspek.

Patuloy na inaalam ng pulisya ang posibleng motibo sa krimen at pagkakakilanlan ng hindi batid na bilang ng mga suspek sa insidente. (NICK ECHEVARRIA)

Related posts

Leave a Comment