BIYUDO, DALAGA NAKITANG PATAY SA SASAKYAN

crime43

(NI ANNIE PINEDA)

BINAUNAN ng bala sa ulo ang isang dalaga at kasama nitong biyudo sa loob ng sasakyan makaraan pagbabarilin ng mga hindi pa kilalang suspek, sa probinsya ng Cauayan.

Kinilala ang mga biktimang sina Thomas Gregocha, 59, negosyante, residente ng Rizal, Roxas, Isabela at Crispina Gragasin, 19, saleslady, at residente ng Nueva Era, San Manuel, Isabela.

Batay sa report ng Roxas Police Station, naganap ang insidente sa gilid ng daan sa San Antonio, Roxas, Isabela.

Ayon sa pulisya, nakita na lamang ang Toyota pick-up na may plakang AJA 1218 na nakaparada sa gilid ng daan at nakaupo sa harapan bahagi ng sasakyan ang mga biktima.

Sa pagsisiyasat ng Scene of the Crime Operatives-PNP, nakita ng mga tama ng bala sa ulo ang mga biktima at may butas rin ng gilid ng sasakyan na pinaniniwalaan dinaanan ng bala ng armas.

Nakapulot din ang mga awtoridad ng dalawang basyo ng bala, isang slug at isang 9mm armscor sa loob ng sasakyan.

Sa ngayon nagpapatuloy ang ginagawang pagsisiyasat ng pulisya sa insidente at inaalam na rin ang tunay na motibo sa krimen.

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment