BITIN SA ALAK; TANOD PINATAY SA TAGA

(NI ANNIE PINEDA)

PATAY ang isang lalaki makaraan pagtatagain ng kainuman na nabitin umano sa alak sa isang inuman, iniulat kaninang umaga sa probinsya ng Balete, Aklan.

Kinilala ang biktimang si Ronnie Sarandin, 48, barangay tanod, habang nadakip naman ang suspek na kinilalang si Robert dela Cruz, 27, at kapwa residente ng Barangay Guanco, Balete.

Batay sa report ng Balete Police Station, dakong alas 6:00 ng gabi nang maganap ang insidente sa nasabing lugar.

Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya, nag-iinuman ang biktima at suspek sa kapitbahay nilang si Randy Cuadrante at makalipas ang ilang oras ay natapos na ang inuman dahil ubos na ang alak.

Nagpasyang umuwi ang biktima at sumama na rin ang suspek kahit pa nabitin ito sa inuman . Habang naglalakad, bigla na lamang inaway ni dela Cruz si Sarandin na nauwi sa mainitang pagtatalo.

Dito, walang habas na pinagtataga ng suspek ang biktima sa iba’t ibang parte ng katawan na agad nitong ikinamatay.

Matapos ang pananaga bumalik ang suspek sa bahay ni Cuadrante , pero nakita niya itong puno ng dugo ang itak kaya isinara nito ang pintuan ng bahay sa takot na pati siya ay pagtatagain.

Nadakip naman ang suspek ng mga rumespondeng pulis at kasalukuyang nakakulong sa Balete-PNP at nahaharap sa kasong pagpatay.

 

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment