BINATA ITINUMBA SA TAGAYAN

BARIL-9.jpg

DAVAO City – Duguang bumulagta ang isang binata makaraang pagbabarilin ng hindi kilalang mga suspek habang nakikipag-inuman, iniulat nitong Martes ng umaga sa lungsod na ito.

Kinilala ang biktimang si Rodolfo Mabitad Suizo, 23-anyos, residente sa Purok Cabbage, Lapu-Lapu Extension, Brgy. Zone 3, Digos City.

Batay sa report ng Digos Police Station, dakong alas 2:10 ng madaling araw noong Lunes nang mangyari ang insidente sa loob ng Walwal Music Bar sa Purok Talisay, Luna Extension, Brgy. Zone 3, ng nasabing lunsod.

Lumabas sa imbestigasyon, nakikipag-inuman ang biktima sa nasabing lugar kasama ang mga kaibigan nang bigla na lamang sumulpot ang armadong mga suspek at siya ay pinagbabaril.

Pagkaraan ay mabilis na tumakas ang mga suspek habang isinugod ang biktima sa Davao Sur Provincial Hospital ngunit hindi umabot nang buhay.

Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng pulisya upang mabatid ang posibleng motibo sa krimen at pagkakakilanlan ng mga suspek. (ANNIE PINEDA)

Related posts

Leave a Comment