BGY CHAIRMAN, LOVER, HULI SA MOTEL

san jose12

(NI JG TUMBADO)

NASA kainitan pa ng pagtatalik ang isang kasalukuyang barangay chairman at ng kanyang umanoy “lover” nang datnan at arestuhin ng  pulisya sa loob ng motel sa San Jose City, Nueva Ecija.

Sa himpilan na ng San Jose City Police nakilala ang mga suspek na sina Librado Dulay, 58, at ang 32 anyos na sinasabing “girlfriend ” ni kapitan na si Maria Cecilia Tubiera.

Nabatid na ang dalawa ay kapwa kasal pa rin sa kani-kanilang asawa.

Ayon kay Police Lt. Col. Heryl Bruno, Chief of police ng San Jose City, humingi ng saklolo sa kanila ang mismong mister ni Tubiera matapos madiskubre na may lihim na pakikipagtagpo ito kay Dulay sa isang hotel sa Barangay Caanawan.

Sa koordinasyon na rin ng pamunuan ng hotel sa pulisya ay nabuksan sa pamamagitan ng duplicate na susi ang kuwartong nirentahan ng dalawa.

Dito tumambad kay mister at mga awtoridad ang hubo’t hubad na katawan ng dalawa na nasa kalagitnaan ng kanilang mainit na pagniniig.

Napahinto umano si Dulay sa kanyang ginagawa at mabilis na napatakbo sa loob ng CR habang si Tubiera naman ay nagtaklob na lamang ng manipis na kumot.

Kasong “adultery” ang kinakaharap ng dalawa.

Samantala, dahil sa pangyayari ay nalaman na rin ng maybahay ni kapitan ang bawal na relasyon nito kay Tubiera.

 

Related posts

Leave a Comment