BEAUTICIAN BINURDAHAN NG SAKSAK NG EX- PARTNER

beautician

(NI NILOU DEL CARMEN)

PINAGSASAKSAK hanggang sa mapatay ng isang lalaki ang kanyang dating live-in partner sa San Pablo City Sabado ng gabi.

Kinilala ng San Pablo police ang biktima na si Sabrina Ojeda, 56, residente ng Barangay Santiago Uno.

Agad nasawi ang biktima matapos tadtarin ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Batay sa imbestigasyon ng San Pablo City police, pauwi na sa kanyang bahay ang biktima galing sa trabaho nang abangan ito ng suspek na si Pablito De Villa at pagsasaksakin dakong alas-7:00 ng gabi.

Nagalit umano ang lalaki nang makipaghiwalay dito ang biktima noong nakaraang taon.

Ayon sa mga kapitbahay, palagi umanong sinasaktan ng suspek ang biktima noong nagsasama pa ang mga ito kaya hiniwalayan ng biktima ang suspek.

Apat na beses na ring nagsampa ng kaso ang biktima laban sa suspek  mula noong January 2017 hanggang December 2018 dahil sa pagmamaltrato nito na siyang lalong ikinagalit ng suspek.

Pinaghahanap pa rin ng mga awtoridad si De Villa.

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment