BARIL INIYABANG; BUNGO NG SEKYU SUMABOG

crime12

(NI NILOU DEL CARMEN)

SABOG ang bungo ng isang security guard  matapos pumutok  ang nilalaro nitong  baril  harap ng kanyang mga katrabaho sa isang hotel sa Batangas City Huwebes ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Jorney Ugmad, 21, ng Valenzuela City at security guard ng Dreaming Forest hotel sa   Barangay  Libjo, Batangas City.

Batay sa imbestigasyon, nangyari ang insidente alas 6:30 ng gabi habang ipinagyayabang ng biktima ang kanyang 9mm na baril sa dalawang roomboy ng hotel.

Ayon sa dalawang roomboy, tinanggal umano ng sekyu ang magazine at mga bala saka itinutok ang baril sa ulo at kinalabit.

Subalit laking gulat umano ng mga ito nang pumutok ang baril at bumulagta ang biktima dahil sa tama sa sentido.

Hindi na naisugod pa sa ospital ang biktima na namatay noon din.

Ayon sa mga imbestigador ng Batangas City police, posibleng may ‘tangay’ umano ang baril na hindi natanggal kahit inalis ang magazine at hindi rin  napansin ng biktima.

Ganunpaman, tuloy pa rin ang imbestigasyon at tinitiyak na walang foul play sa pangyayari.

 

Related posts

Leave a Comment