BANGKAY NG BABAE LUMUTANG SA DAGAT 

(NI ANNIE PINEDA)

 

NAKATAOB na nagpalutang-lutang nang matagpuan ang bangkay ng isang babae sa sa karagatan sakop sa bayan ng Estancia, Iloilo, kahapon ng umaga.

Kinilala ang biktimang si Nelissa Vilches, 37 anyos , at residente ng Barangay Salong, Batad, Iloilo City.

Batay sa report ng Estancia Police Station, dakong alas 9:00 ng umaga ng Sabado ng matagpuan ng mga residente ang bangkay ng biktima nakalutang sa Isla ng Barangay Loguingot ng naturang bayan.

Kaagad naman rumesponde ang mga tauhan ng Philippine Coast guard-Iloilo City at iniahon ang bangkay ng biktima saka dinala sa Crisme funeral Homes.

Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya, Biyernes ng hapon, huling nakitang buhay ang biktima at nagtungo sa baybaying dagat malapit sa kanilang bahay para manguha ng pagkain dagat.

Subalit, nagtaka na lamang ang pamilya na hindi na ito nakauwi pa hanggang sa makita na lamang ng mga residente sa Estancia na nakalutang .

Ayon sa pamilya, may sakit ang biktima at maaring sinumpong ito dahilan para malunod at tinangay ng malakas na alon sa bayan ng Estancia.

 

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment