BAGSAK SA SCHOOL; ESTUDYANTE NAGBIGTI

bigti

(NI ANNIE PINEDA)

HINDI umano matanggap ng isang estudyante ang mababa nitong grado dahilan para wakasan ang sariling buhay sa pamamagitan ng pagbigti, sa Tacloban City.

Kinilala ang biktimang si Karl Andrei Fuentes, 19, residente ng Brgy. 81, Marasbaras, Tacloban City.

Batay sa report ng Tacloban PNP-station 1, dakong alas 7:30 nang matagpuan ang bangkay ng biktima sa ikalawang palapag ng kanilang bahay.

Kuwento ng ama ng biktima na si Alejandro, nagulat na lamang siya nang makita ang anak na nakabitin gamit ang nylon .

Bago ang insidente, napansin na umano ng ama na malungkot ang anak dahil problemado ito sa kanyang mga grado sa paaralan.

Dinala sa ospital ang biktima pero idineklara na rin itong patay ng mga doktor.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente para alamin kung totoong nagpakamatay ang biktima o kung may naganap sa foul play sa pangyayari.

 

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment