BABAENG KOREAN PINATAY NG LIVE-IN PARTNER, ITINAGO SA BANYO

crime

AGNAS nang natagpuan ang isang babaeng Korean sa isang condominium unit sa Angeles City, Pampanga nitong Linggo.

Nabatid na aabot sa 10 saksak sa katawan ang tinamo ng biktima kung saan ang mismong ka live in nitong Koreano rin ang suspect.

Matapos patayin, ibinalot nito sa kumot ang bangkay at itinago sa banyo.

Mismong live-in partner ng biktima ang suspek, na isa ding Korean at nangungupahan sa nasabing condo unit.

Dito inaresto ng pulisya ang suspek na hindi lumabas sa condo unit mula na gawin umano ang krimen. Umalingasaw lamang ang bangkay sa buong paligid kung kaya’t natunton ang krimen.

Inaalam pa ngayon ang tunay na motibo sa pagpatay.

Nakikipag-ugnayan na ang pulisya sa Korean desk liaison at Korean consular assistant sa Angeles para malaman ang background ng suspek, na kinasuhan na ng murder at nakakulong na.

 

Related posts

Leave a Comment